Ang LOBOTOMY

Tuesday, October 18, 2011

5 SOAP OPERA CLICHES


Every afternoon I go home and see my mom watch these series of soap opera to release herself from the daily hassles of boredom and beyond. And we watch these drama with only one thing in mind;

MANG-OKRAY.

Okay, yeah..me and my mom are quite an opinionated mother and daughter tandem. ;)

So, here are some random things we noticed almost EVERYDAY of our weekends:

1. "_________, Hindi ako papayag na mapunta ka sa iba! Akin ka lang!"
(The girl/or the guy pointing a gun or a knife to the person they're obsessed with.)

"Pangako ko sa'yo ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay." (a guy tries to promise the girl his love forever.)

"Mamili ka sa aming dalawa? Siya o ako? (A guy or a girl is being asked to choose between their two love interests)

"Mahal kita.Maniwala ka." (a guy or a girl says I love you to the love interest with an accompanying romantic/dramatic instrumental)


Seriously?! This is just one of the many used up and abused lines that I really hate hearing!
(I understand you want the guy and the story goes like you have to be the villain and all...but the lines my God!) Umuusad ang panahon, kahit ang unang artista na gumamit ng linya na yan ay malamang lipas na, why think of some other clever witty lines that jives with the modern day conversations we actually have? Wouldn't it possible that the same sense of the dialogues be delivered with a different and time-bounded set of words? In other words; IYONG MGA SALITA NA GINAGAMIT NG ORDINARYONG TAO SA PANG-ARAW ARAW NA BUHAY NIYA. Hindi ang mga linya ni Maria Clara at Juan Crisostomo Ibarra.

"Walang binatbat ang 'till death do us part' compared to the love I have for you." (medyo cheesy ang naisip ko, pero...di ba? kakaiba naman? Gets?"

Okay, moving on.

2. ANG SAMPALAN AT SABUNUTAN CLASSIC.

If only, a soap opera could survive without a cat fight or steamy slapping scenes and still move the viewers into tears or even excite them with just mere exchanges of clever dialogues and emotions brought about by the facial expression and body language their body complements on the screen then...BOOM! AN EPIC DRAMA SERIES IT IS.

Naiintindihan ko naman. DRAMA nga eh di ba? Pero wala na bang ibang CAT FIGHT scene na pwedeng ipalit sa sampalan effect na nagpabalikwas na ng sandamakmak na mukha? Sapukin mo naman kaya iyong kabit ng asawa mo para maiba lang? O kaya tadyakan mo naman? Maiba lang.

Okay, enough for the violence.

3. ANG OUTFIT NG ISANG MAHIRAP NA BABAE ay NAKASAYA (as in long skirt that reaches almost the ankle) at MALUWANG NA RUGGED T-SHIRT.

Epic right? As in. Alam ko, nung panahon nila ate Shawi, Dina Bonnevie at Lorna Tolentino ay iyon ang usong symbolo ng mahirap na probinsiyana na bidang babae. Totoo naman kasi na ganoon noon ang suot. Ang sa akin lang naman, lumibot ka sa buong Pilipinas, at tignan mo ang mga nakatira sa squatter area o kaya sa probinsiya, at sabihin mong mali ako kapag ang mga nakita mong suot nila ay may nakalagay na "Louis Vuitton" sa t-shirt na sa nipis ng tela alam mo na kung saan nabibili. At eto pa ang pinaakamalupit sa lahat, karamihan sa mga dukha ngayon ay naka leggings na kahit halos kita na iyong kulay ng undies nila sa nipis ng tela kapag nabanat. Ang mga nakasaya na lang ngayon ay iyong miyembro ng isang di ko maalala na relihiyon na bawala magpagupit ng buhok.

Kuha mo iyong point?!


4. MAKE-UP AND COSTUME NO-NO!

Alam ko pamilyar sa iyo ito eh, Ang bidang babae, matutulog na at nakapajama na makikita mo, nakalipstick pa at naka eye-shadow pa. WAGAS. Saan ka nakakita, mayaman walang damit pambahay kahit nanonood lang ng tv kailangan naka-party dress at heavy make-up pa. At ito ang pinakamalupit sa lahat...naka 7-inches gladiator heels si ateng sa loob ng bahay niya habang nagbabasa ng diyaryo sa tabi ng pool o di kaya nagluluto sa kitchen?! TARAY. Ansaveeeeeh ng varicose veins mo teh?

Iyong totoo? Doon lang tayo sa tunay at kapani-paniawalang set-up sa tunay na buhay.

Lastly, ito ang pinakaaantig sa diwa at gigising sa katawang lupa mong nahihimlay.

5. CINDERELLA STORY LINE.

Ewan ko ba kung talagang hindi nga ba makakapayag ang mga Pinoy na hindi Fairy Tale ang takbo ng istorya ng mga drama sa atin. Mag-uumpisa iyan sa bida na mahirap o basta galing sa mahirap na background tapos maiinlove sa mayaman na lagi namang may umaagaw na mas maganda at mataray na babae tapos aalipustahin, iyon pala malalaman niya na anak siya noong magiging biyenan niya sa pagkadalaga at ngayon ang problema hindi alam kung magkapatid ba sila noong love interest niya, tapos bigla siyang yayaman, maghihiganti sa mga nang-api sa kanya. Tapos may lilitaw na extra, sasabihing hindi sila magkapatid ng love interest at pipigilin ang kasal ng love interest sa ibang babae o di kaya hahabulin sa airport at kapag nagkita na sila at nag-I love you na. Eto naman ang walang kamatayan na kontrabidang babae "Lalaki! Akin ka lang! hindi ako papayag na mapunta ka sa iba!". Tapos biglang babarilin at haharangin ng isa sa lovers iyong bala...At ang EPIC sa lahat ng iyon ay kunyare mamatay na iyong bidang lalaki dahil tinamaan ng bala...habang sinasabi ni ate ang walang puknat na " Huwag ka ng magsalita. Makakasama sa iyo yan. Huwag mo kong iiwan"
Pagkatapos ng commercial o kaya isang araw...Ipapakita na buhay pa pala ang bidang lalaki at hindi namatay kahit noong nasa scene eh pinakita na sa may puso tinamaan at halos dumugo na ang bibig. Ang huling mga eksena ay kasalan...mga anak nila. Happy FAMILY. HAPPY ENDING.

Ano? Ganoon na lang? Tapos na ang lahat? Masaya na FOREVER for SURE? Wala na kayong magiging problema kahit kelan?

Anak ng Tokwa! Buti pa sa soap opera natatapos ang problema.

Maniwala ka at sa hindi, Iisa lang halos ang story line ng mga soap opera sa bayan ni Juan at ang sasabihing hindi maganda ang istorya kapag hindi HAPPY ENDING ang nangyari. Isusumpa ang ending na mamatay ang isa sa bida o kaya kapag hindi sila nagkatuluyan. Hindi matatanggap na minsan sa totoong buhay, hindi lahat happy ending.

Nakakatawa, sabi kasi, halaw daw sa totoong buhay ang mga palabas sa tv, sa totoo lang, asan ang katotohanan sa mga cliche na ganito? O, baka naman, inihahalaw natin ang buhay sa palabas sa tv?

/wrist.



Saturday, July 2, 2011

ALAPAAP.

Dati hindi ako naniniwala sa "Cloud 9". Hindi naman kasi ako nagdru-drugs.

Ngayon, alam ko na. Totoo palang may CLOUD 9. Hindi dahil sa drugs kaya ko napatunayan iyon.
Mukhang tanga. Lutang.Naglalakad ka ng hindi ka kasabay sa ikot ng mundo. Nakakarinig ka pero hindi ka nakakaintindi. Nakatingin ka pero wala kang nakikita. Nakakaramdam ka pero hindi ka nasasaktan. Saglit kang nawawala sa sirkulasyon ng sandaigdigan (saglit nga lang ba?)

Ibang klase ang sayang dulot ng bagay na mas masahol pa sa ipinagbabawal na gamot. Lilipad ka sa bawat kaliit-liitang detalye ng mga pangayayari. Gagaan ang pakiramdam mo na parang tuyong dahon na nagpapatangay sa ihip ng hangin. Magsisikhay ka na parang isang robot na walang kapaguran, walang inaalintan. Malululong ka sa kakaibang sensayong dulot nito na animo'y isa kang sundalong walang kinakatakutan.

Walang kapantay ang sayang dulot ng pagtawid sa alapaap ng pag-ibig.

Pero kagaya ng lahat ng pagtawid...dumarating din ang dulo. Ang hangganan.

At wala kang magagawa kundi ang harapin ang katotohanan na may katapusan ang paglalakbay.

Hindi mo alam kung maari ka pang makabalik sa tinahak na daan o kailangan mo ng tumulay sa panibagong ulap, o di kaya'y magpatihulog na lamang sa lupa upang magising sa katotohanang hindi naapakan ang ulap.

Anu man ang napili mong gawin, isa lang ang siguradong bibitbitin mo...

Ang patak ng ulan sa natunaw na ulap.

Ang pagpatak ng ulan sa bawat sandaling sasariwain ang mga alaala sa alapaap.

Sunday, March 6, 2011

Steady...

"Hindi mo kailangan malungkot kung hindi man mangyari iyon...ang mahalaga may ginawa ka...KUMILOS ka para sa NARARAMDAMAN mo."

-galing sa isang kaibigan.

Hindi ko na siya papanagalanan kasi exclusive for friends land daw ang sideline niang maging ala-Bob Ong sa buhay ng mga kaibigan niya na gaya ko.

Ako ay isang talamak na risk-taker. Kung pinagkakakitaan lang ng pera ang pagiging makapal ang mukha matagal na akong yumaman. Natatandaan ko nung elementary at highschool isa lang ang comment sa kin ng mga adviser ko na laging sinasabi sa daddy ko..."Malakas po ang loob nang anak niyo sir."

Hindi ko alam kung iyon ba talaga ang ibig nilang sabihin o isang re-phrasing iyon para sabihing apakapalmuks ako. ahahha! I take chances. Pakiramdam ko kapag hindi ko ginawa ang isang bagay na alam kong kaya kong gawin kahit hindi ko alam ang kalalabasan ay hindi ako matatahimik. Tumataas ang anxiety level ko kapag hindi ko alam ang sagot sa tanong pero alam kong kaya ko namang alamin. Minsan kahit hindi ko alam ang tamang sagot babanat pa rin ako, para sa akin walang masamang sumubok. Walang masamang maging matapang sa mga bagay na hindi mo alam.

Pero hindi sa lahat ng bagay kailangan eh makapal ang mukha mo...Ngayon ko lang iyan napatunayan...

May isang aspeto sa buhay ko na hindi ko puwedeng pangunahan. Hindi ko pwedeng gawan ng paraan na parang sa mga project na muntikan nang hindi maipasa. Hindi basta-basta pwedeng remedyuhan na parang erasure sa exam. May mga bagay pala na hindi mo puwedeng ipilit na parang rationalization sa retdem. May mga bagay pala na hindi dapat lagi kang nauuna na parang nakikipag-unhan sa pagkuha ng upuan sa klase. May mga bagay pala na hindi mo kayang kontrolin kagaya ng variables sa research.

Hindi pala ganoon sa parteng iyon. Minsan pala, kailangan mo ring hayaan lang ang mga bagay-bagay. Minsan pala kailanagnan mo ring umi-steady. May mga bagay pala sa ibabaw ng mundong ito na hindi mo kayang kontrolin, turuan o manipulahin. Minsan kailangan mong tanggapin na may mga pagkakataon sa buhay mo na wala kang dapat gawing intervention, na ang dapat mo lang gawin ay mag-assess, mag-obserba pero hindi na dapat liligoy pa doon ang imahinasyon mo. Masama palang pinangungunahan ang mga ganung bagay.

Ang mahalaga, may ginawa ka. Kumbaga, sinalubong mo. Nakita mo nang paparating ang isang bagay, naghanda ka. Humakbang ka, isa, dalawa, tatlo-sapat na iyon. Hindi mo kailangang humakbang hanggagng marating mo ang bagay na iyon. Kung hahakabang din ito papalapit sa iyo...maige. Pero kung hindi man...Steady ka lang. Ang mahalaga, ikaw may ginawa. Kumilos ka. Wala kang pagsisisihan bandang huli. Huwag kang malulungkot, dahil naging matapang ka...At higit sa lahat wag kang mawawalan ng pag-asa...

Dahil baka nasa maling direksiyon ang pagsalubong mo...kaya hindi nagkatugma.

Tuesday, January 4, 2011

THEORIES and EROS

teorya.

mga bagay na sinusubukang ipaliwang ang mga pangyayari ngunit hindi pa napapatunayang totoo sa lahat ng pagkakataon.

pag-ibig. (eros)

isang damdamin na sinisubukang intindihin at ipaliwanag sa hindi na mabilang na paraan at nanatiling palaisipan pa rin sa marami.

anong pinagkaiba ng dalawa?

parehas lang hindi ba? walang tunay na depinisyon ang pag-ibig. kahit magtutumbling ka diyan at mag head count ka ng mga nakarelasyon mo, walang eksaktong depinisyon na makakapagpapaliwang ng penomena ng pag-ibig. ganoon din sa teorya. subukan mong i-explain ang evolution of man o di kaya ang creation ng mundo? tignan ko lang kung di ka masiraan ng bait kung papano hahanapin ang katotohanan sa lahat ng iyon.

dahil magkapareho naman pala silang walang definite na katotohan...eh di gawan natin ng theories ang pag-ibig.

1. hindi matatawag na pag-ibig ang nararamdaman mo kung nag dialogue mo sa buhay ay:
"Sapat na ang pagmamahal ko para sa ting dalawa". Hindi pinapaboran ng pag-ibig nag martyr. kailangan mutual. kailangan dalwa kayong nakararamdam. kung ikaw lang...malamang hindi pag-ibig yan dahil mag-isa ka lang nakikibaka sa ikauunland ng pinapangarap mong relasyon.

2. pag-ibig ay parang bangko. (o wag ka muna mag-react.) magpapaload ka ba ng bongga kapag bigla siyang nagtext kung kelan sarado na ang bahay niyo pati na ang lahat ng tindahan sa kalaliman ng gabi? luluha ka ba ng major major kung inwan ka ng isang ulupong na pinag-aksayahan mo ng panahon, oras, pera, damdamin kung hindi ka nag-invest?

ganyan nga ang ibig kong sabihin. didga ka ba kung wala kang hihintay na kapalit? bibili ka ba ng tsoklate, gagawa ka ba ng assignment ng iba kung wala kang hinhintay na "interest" mula sa mga "investments" na pwede mong i-"withdraw" balang araw?

oh ngayon mag react ka na.

3. Love is an IRONY, sa tagalog, mapang-asar ang pag-ibig. iyong iba na hindi nagahahanap merong nakikita, iyong iba naman na naghahanap walang nakikita. minsan naman iyon iba na sa malayo nakatanaw eh nasa harap lang pala ang hinahanap. minsan naman alangan sayo ang ibibigay. minsan naman mapapa- "weh?!" ka na lang sa mga iapapakilala sayo ng kaibigan mong jowa niya. minsan naman gusto mo ayaw sayo. minsan naman baliktad. Mapang-asar nga di ba? mampikon daw ba?

4. May panahon ang pag-ibig pero walang due date. pero may deadline. minsan matagal bago dumating ang iniintay ng lahat ng tao sa mundo sa kanya-kanya nilang buhay...(bawal plastik)
minsan naman madalian lnag, bigla-bigla. kapag bingyan ka na ng tadhana ng go signal, bibigyan ka rin niya ng panahon upang matanggap mo sa sarili mo na ang taong ito ay para sa iyo at gumawa ka na ng paraan para doon...at ang pakiramdam na iyon ay hindi matatapos...hindi nawawala...kahit dalhin mo sa hukay okay lang..chill lang si tadhana...iyon nga lang...may pagkakataong hindi nahihintay ng isang taong maghimala umulan ng yelo sa pilipinas ma-realize mo lang na siya pala ang nakatakda para sayo. may deadline ang tao. ang damdamin wala.

5. kahit kailan walang magiging tiyak na depinisyon ang pag-ibig. It's relative. Walang kahit sino na makapagdedefine ng pag-ibig ng tama. ng sakto. kagaya nga ng sabi ko kanya-kanya yan. kanya-kanyang trip naman tlaga iyan eh.

iyon lang. ewan ko. hindi ko talaga alam.