Ang LOBOTOMY

Sunday, March 6, 2011

Steady...

"Hindi mo kailangan malungkot kung hindi man mangyari iyon...ang mahalaga may ginawa ka...KUMILOS ka para sa NARARAMDAMAN mo."

-galing sa isang kaibigan.

Hindi ko na siya papanagalanan kasi exclusive for friends land daw ang sideline niang maging ala-Bob Ong sa buhay ng mga kaibigan niya na gaya ko.

Ako ay isang talamak na risk-taker. Kung pinagkakakitaan lang ng pera ang pagiging makapal ang mukha matagal na akong yumaman. Natatandaan ko nung elementary at highschool isa lang ang comment sa kin ng mga adviser ko na laging sinasabi sa daddy ko..."Malakas po ang loob nang anak niyo sir."

Hindi ko alam kung iyon ba talaga ang ibig nilang sabihin o isang re-phrasing iyon para sabihing apakapalmuks ako. ahahha! I take chances. Pakiramdam ko kapag hindi ko ginawa ang isang bagay na alam kong kaya kong gawin kahit hindi ko alam ang kalalabasan ay hindi ako matatahimik. Tumataas ang anxiety level ko kapag hindi ko alam ang sagot sa tanong pero alam kong kaya ko namang alamin. Minsan kahit hindi ko alam ang tamang sagot babanat pa rin ako, para sa akin walang masamang sumubok. Walang masamang maging matapang sa mga bagay na hindi mo alam.

Pero hindi sa lahat ng bagay kailangan eh makapal ang mukha mo...Ngayon ko lang iyan napatunayan...

May isang aspeto sa buhay ko na hindi ko puwedeng pangunahan. Hindi ko pwedeng gawan ng paraan na parang sa mga project na muntikan nang hindi maipasa. Hindi basta-basta pwedeng remedyuhan na parang erasure sa exam. May mga bagay pala na hindi mo puwedeng ipilit na parang rationalization sa retdem. May mga bagay pala na hindi dapat lagi kang nauuna na parang nakikipag-unhan sa pagkuha ng upuan sa klase. May mga bagay pala na hindi mo kayang kontrolin kagaya ng variables sa research.

Hindi pala ganoon sa parteng iyon. Minsan pala, kailangan mo ring hayaan lang ang mga bagay-bagay. Minsan pala kailanagnan mo ring umi-steady. May mga bagay pala sa ibabaw ng mundong ito na hindi mo kayang kontrolin, turuan o manipulahin. Minsan kailangan mong tanggapin na may mga pagkakataon sa buhay mo na wala kang dapat gawing intervention, na ang dapat mo lang gawin ay mag-assess, mag-obserba pero hindi na dapat liligoy pa doon ang imahinasyon mo. Masama palang pinangungunahan ang mga ganung bagay.

Ang mahalaga, may ginawa ka. Kumbaga, sinalubong mo. Nakita mo nang paparating ang isang bagay, naghanda ka. Humakbang ka, isa, dalawa, tatlo-sapat na iyon. Hindi mo kailangang humakbang hanggagng marating mo ang bagay na iyon. Kung hahakabang din ito papalapit sa iyo...maige. Pero kung hindi man...Steady ka lang. Ang mahalaga, ikaw may ginawa. Kumilos ka. Wala kang pagsisisihan bandang huli. Huwag kang malulungkot, dahil naging matapang ka...At higit sa lahat wag kang mawawalan ng pag-asa...

Dahil baka nasa maling direksiyon ang pagsalubong mo...kaya hindi nagkatugma.

No comments:

Post a Comment