It's either people love little less too early or too much too late.
Hindi ako eksperto. Hindi rin ako genius dito. At lalong lalo na hindi ako role model sa larangang ito.
I'm writing this becasue I'm not pretending that I'm some kind of an all-knowing-too-righteous-yoda in love.I'm usually a sucker at this. Hindi rin ako heart broken at the moment kahit madalas akong magsulat ng mga ganitong bagay habang nakasadlak ako sa kinahulugan kong bangin na ako rin naman ang nagpumulit talunin. Hindi rin naman ako in love kung saan overly and unreasonably positive ako sa pagsusulat na parang naka-shabu sa pagka-high.
Sabi nila ang matalino, pagdating daw sa love eh tanga. There were times in life I tend to agree that the statement was true. It seems logically fair enough.
Now, I tend to disagree.
Walang taong tanga sa pag-ibig. Wala ring taong bulag sa pag-ibig. At lalong lalo na, walang taong malas sa pag-ibig.
Sa tingin ko, marami lang talagang tao ang masyadong matalino sa pag-ibig. Lahat gingamitan ng utak. Lahat ng bagay, pangyayari, gestures, every microexpressions daig pa ang sci-cal mag-analyze. Iyong iba naman adik sa mga predictions, mas mabilis pa sa google. Hindi pa nangyayari naiisip na at pilit ng ginagawan ng solusyon ng mga control-freak slash OC ang problemang hindi pa naman dumarating. Mayroon namang gusto pang hamakin ang pagkatao ng mga mathematicians sa algebra na nakapag-formulate ng maraming assumptions sa pag-aasume. Aba'y akalain mong mas mahusay pa sila kay Nostradamus sa pag-predict ng future. Kung siya kaya niyang ma-foresee ang future...Naman! Ang mga assuming ay kayang i-foresee ang future feelings ng mga tao. Oh di ba? FTW!
Wala ring taong bulag sa pag-ibig. Walang martyr. Pero sadyang may mga taong mahilig lang dayain ang sarili sa paniniwalang ang kaligayahan nila ay nakasalalay sa partner nila na sa pag-aakalang ang pagmamahal ng isa ay sasapat para sa dalawang tao. Walang ganon boi. Bawal madaya sa pag-ibig. Bawal ang tuso sa puso. Walang nagiging masaya sa paghahanap ng kulang at walang nakakapagbigay ng mga bagay na wala ka. Hindi ka niya kayang paligayahin kahit kailan sino man siya dahil ikaw lang ang tao sa mundong ito ang may kakayanang kumbinsihin ang sarili mo na masaya ka nga talaga. Di ba nga? Happiness is a choice, your choice definitely.
Wala ring taong malas sa pag-ibig. Dahil ang pag-ibig ay hindi malas. It's not even intended to for that purpose, so wag kang bitter! May mga tao lang talagang sigurong choosy. Iba ang choosy sa mataas ang standards.Ang choosy, mas inintindi nito ang sasabihin ng iba sa mga taong naglalakas loob sa kanyang mag-alay ng marubdob na damdamin. Ang choosy ito lang ang dialogue: "Okay ka sana eh, kaya lang...ano na lang ang sasabihin nila?" Ang standards ay ang isinet mong uri ng taong magugustuhan mo period. Wag na tayong magsisihan. Social stigma yan. Itinakda ng lipunan niyakap ng sociedad.Iba rin ang ideal guy/girl (Ito ang mga imaginary na tao na alam nating hindi nag-eexist! Aminin mo.Wag kang eksaherada.Walang taong perpekto, at ang ideal ay perpekto para sa iyo.Gets mo?) Meron din naman mga taong daig pa ang nasa marathon sa pagmamadali kaya madalas nadadapa. Mas nauuna ang fantasy kaysa sa realidad. Inlove sa love story hindi sa tao, mabagal pa sa pagong sa diskarte, mas matapang pa iyong daga sa dibdib sa katorpehan, hay! ewan! Lahat na lang takot masaktan.
Nakakatawa kung bakit pinipilit ng taong iwasan ang masaktan at magkamali, Eh parte naman ng buhay iyon. Hindi nabuhay ang taong naglagi ng ilang panahon sa mundo at hindi nagkamali, lumuha, nasaktan at natututo. Sa totoo lang hindi naman talaga masakit ang hindi ka mahalin ng mahal mong may sayad, iyong iwan ka at ipagpalit ka sa isang lapastangang kamukha ni mojacko o ni balbasaur, o iyong lokohin ka ng hudas mong siyota, o di kaya ay mas pinili na niyang makasama ang mga anghel sa langit bago pa kayo mag-I do. Lahat naman tayo nasasaktan, sa iba't ibang panahin at paraan nga lang.
Ang masakit kasi ay ang PAG-TANGGAP. Pagtanggap sa katotohan na hindi umikot ang mundo sa gusto mong paraan at hindi nangyari ang mga bagay kagaya ng inaasahan mo and shit! You just can't do anything abou it. Oo, totoo yan. Masakit lang naman ang mga bagay dahil hindi natin sila matanggap. Dahil iyon ang pinakamahirap gawin, overcoming our unfulfilled expectations.
Eh ano naman kung masaktan? eh ano naman kung hindi ka mahal? eh ano naman kung ikaw nga ang mahal hindi ka naman pinili? Eh ano naman kung hindi niya kayang suklian ang pagmamahal na kaya mong ibigay? Eh ano naman kung one day na lang bago ka kunin ni Lord tska mameet mo ang nakatakda para sa iyo? Eh ano naman kung hindi siya bet ng nanay mo o di kaya ng friends mo? Eh ano naman kung nagmamahalan nga kayo mas mahirap naman kayo kaysa sa nagtitinda ng balot sa kanto? (Kapag ganito, Doon lang ako sa totoo. Mahirap ang buhay ngayon,required mag-isip. Pwede ang objections. Allowed ang erasures..:P)
Ang mahalaga naging masaya ka at kailangan nating tanggapin na hindi saya lang ang nagpapaikot ng mundong ito, kundi lungkot din. Paano mo maapreciate ang ligaya ng wala kang alam tungkol sa pagluluksa? Nagets mo iyong logic?
Para sa akin, to live life happily is to do what makes you happy and say..." So what?!"
No comments:
Post a Comment